Mga Awit 134
Panawagan ng mga Lingkod na Magpala at ang Pagpapala 1–3
1
Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
2
Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon.
3
Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion; sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain
Study note