Skip to content

Mga Awit 13

Ang Panawagan ng Pinabayaan 1–2

1
Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man? Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
2
Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa, na may kalumbayan sa aking puso buong araw? Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?

Pamanhik sa Pamamagitan ng Diyos 3–4

3
Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios: liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
4
Baka sabihin ng aking kaaway, ako'y nanaig laban sa kaniya; baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako'y nakilos.

Pagbaling sa Pagtitiwala at Pagpupuri 5–6

5
Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob. Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
6
Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't ginawan niya ako ng sagana.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain