Skip to content

Mga Awit 120

Isang Daing para sa Kaligtasan 1–2

1
Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.
2
Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.

Ang Kapalaran ng Mapandaya 3–4

3
Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
4
Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.

Panaghoy sa Pagkatapon sa Gitna ng mga Kaaway 5–7

5
Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6
Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7
Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain