Mga Awit 117
Panawagan sa Pangkalahatang Pagpupuri 1–2
1
Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
2
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin; at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain
Study note