Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tyre: Its second destruction by the Macedonians

7 talata · 47 aspeto

Mga talata tungkol sa Its second destruction by the Macedonians

  1. At sa kanilang pagtangis ay pananaghuyan ka nila, at tatangisan ka, na sasabihin, Sino ang gaya ng Tiro na gaya niya na nadala sa katahimikan sa gitna ng dagat?

  2. Kaya't narito, ako'y magdadala ng mga taga ibang lupa sa iyo, na kakilakilabot sa mga bansa; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan, at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan.

  3. Kanilang ibababa ka sa hukay; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat.

  4. Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong pangangalakal, iyong nilapastangan ang iyong mga santuario: kaya't ako'y naglabas ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo.

  5. At gayon din sa Hamath, na kahangganan nito; sa Tiro at Sidon, sapagka't sila'y totoong pantas.

  6. At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan, at nagbunton ng pilak na parang alabok, at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan.

  7. Narito, aalisan siya ng Panginoon, at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya; at siya'y lalamunin ng apoy.