Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Scepter

10 talata · 5 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa.

  2. Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.

  3. Lahat ng lingkod ng hari at ang bayan ng mga lalawigan ng hari ay nangakakaalam, na sinoman, maging lalake o babae, na paroroon sa hari sa pinakaloob na looban, na hindi tinatawag, may isang kautusan sa kaniya, na siya'y patayin, liban yaong paglawitan ng hari ng gintong cetro, upang siya'y mabuhay: nguni't hindi ako tinawag na paroon sa hari ng tatlong pung araw na ito.

  4. At nagkagayon, nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban, na siya'y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin: at inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay. Sa gayo'y lumapit si Esther, at hinipo ang dulo ng cetro.

  5. Nang magkagayo'y inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro. Sa gayo'y tumindig si Esther, at tumayo sa harap ng hari.

  6. Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok.

  7. Sapagka't ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian.

  8. Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, ang cetro ng mga pinuno;

  9. At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

  10. At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.