Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Priests: Lighting and trimming the lamps of the sanctuary

4 talata · 86 aspeto

Mga talata tungkol sa Lighting and trimming the lamps of the sanctuary

  1. At iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila'y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan, upang papagningasing palagi ang ilawan.

  2. Sa tabernakulo ng kapisanan sa labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo, ay aayusin yaon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel.

  3. Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi.

  4. Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon.