Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Precious Stones: Adorning the breastplate of judgment

9 talata · 52 aspeto

Mga talata tungkol sa Adorning the breastplate of judgment

  1. At iyong kakalupkupan ng mga kalupkop na mga bato, apat na hanay na bato: isang hanay na sardio, topacio, at karbungko ang magiging unang hanay;

  2. At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zapiro, at isang diamante;

  3. At ang ikatlong hanay ay isang hasinto, isang agata, at isang amatista;

  4. At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang haspe: pawang pamumutihan ng ginto sa kanilang mga kalupkop.

  5. At kanilang kinalupkupan ng apat na hanay na sarisaring bato: isang hanay ay sardio, topacio, at karbungko na siyang unang hanay.

  6. At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zafiro, at isang diamante.

  7. At ang ikatlong hanay, ay isang jacinto, isang agata, at isang ametista.

  8. At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang jaspe; na mga natatakpan ng mga pamuting ginto sa kanilang mga pagkakakalupkop.

  9. At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel, labingdalawa, ayon sa kanilang mga pangalan; na ayos ukit ng isang panatak; bawa't isa'y ayon sa kaniyang pangalan, na ukol sa labingdalawang lipi.