Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Husband: Figurative

4 talata · 3 aspeto

Mga talata tungkol sa Figurative

  1. Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.

  2. Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.

  3. At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan.

  4. Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon.