Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Gates: Charge of, given by lot

7 talata · 73 aspeto

Mga talata tungkol sa Charge of, given by lot

  1. At sila'y nangagsapalaran, gayon ang maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan.

  2. At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan.

  3. Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig.

  4. Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong.

  5. Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa.

  6. Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar.

  7. Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari.