Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Eunuch: Baptism of the Ethiopian

4 talata · 5 aspeto

Mga talata tungkol sa Baptism of the Ethiopian

  1. Datapuwa't nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang.

  2. At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba;

  3. At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at binabasa ang propeta Isaias.

  4. At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.