- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
Mga talata sa Bibliya tungkol sa Blasphemy: Punishment of
Mga talata tungkol sa Punishment of
Kaya't, anak ng tao, salitain mo sa sangbahayan ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa ganito ma'y nilapastangan ako ng inyong mga magulang, sa kanilang pagsalangsang laban sa akin.
Sapagka't nang dalhin ko sila sa lupain, na aking pinaggawaran ng aking kamay upang ibigay ko sa kanila, kanila ngang nakita ang lahat na mataas na burol, at lahat na mayabong na punong kahoy, at inihandog nila roon ang kanilang mga hain, at doo'y kanilang iniharap ang nakagagalit nilang handog; nagsuob rin sila roon ng kanilang pabango, at ibinuhos nila roon ang kanilang mga inuming handog.
Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Anong kahulugan ng mataas na dako na inyong pinaroroonan? Sa gayo'y ang pangalan niyaon ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito.
Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nangagpakarumi baga kayo ng ayon sa paraan ng inyong mga magulang? at kayo baga'y nagpatutot ng ayon sa kanilang mga kasuklamsuklam?
At pagka inyong inihahandog ang inyong mga kaloob, pagka, inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak, nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito? at ako baga'y mapagsasanggunian ninyo, Oh sangbahayan ni Israel? Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ninyo ako mapagsasanggunian;
At ang nagmumula sa inyong pagiisip ay hindi mangyayari sa anomang paraan, sa inyong sinasabi, Kami ay magiging gaya ng mga bansa; na gaya ng mga angkan ng mga lupain upang mangaglingkod sa kahoy at bato.
Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsalang sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubugso, ay maghahari ako sa inyo.