Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Beriah: 2. Son of Ephraim

4 talata · 4 aspeto

Mga talata tungkol sa 2. Son of Ephraim

  1. At ang mga anak ni Ephraim: si Suthela, at si Bered na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak, at si Elada na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak.

  2. At si Zabad na kaniyang anak, at si Suthela na kaniyang anak, at si Ezer, at si Elad, na siyang mga pinatay ng mga lalake ng Gath na mga ipinanganak sa lupain, sapagka't sila'y nagsilusong upang kunin ang kanilang mga hayop.

  3. At si Ephraim na kanilang ama ay tumangis na maraming araw, at ang kaniyang mga kapatid ay nagsiparoon upang aliwin siya.

  4. At siya'y sumiping sa kaniyang asawa, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Beria, sapagka't sumakaniyang bahay ang kasamaan.