Mga talata sa Bibliya tungkol sa Alliance and Society with the Enemies of God: Exhortations to shun all inducements to
Mga talata tungkol sa Exhortations to shun all inducements to
Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.
Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;
Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw;
Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;
Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.
Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka.
Kaya nga, mga minamahal, yamang nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan.