Skip to content

Pashur

4 talata

Mga talatang bumabanggit kay Pashur

  1. Napakinggan ni Pashur, na anak ni Immer, na saserdote, na siyang pangulong pinuno sa bahay ng Panginoon, si Jeremias na nanghuhula ng mga bagay na ito.

  2. Nang magkagayo'y sinaktan ni Pashur si Jeremias na propeta, at inilagay siya sa pangawan na nasa lalong mataas na pintuang-bayan ng Benjamin, na nasa bahay ng Panginoon.

  3. At nangyari, nang kinabukasan, na inilabas ni Pashur si Jeremias mula sa pangawan. Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa kaniya, Hindi tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan na Pashur, kundi Magormissabib.

  4. At ikaw Pashur, at ang lahat na tumatahan sa iyong bahay ay magsisipasok sa pagkabihag; at paroroon ka sa Babilonia, at doon ka mamamatay, at doon ka malilibing, ikaw, at ang lahat mong mga kaibigan, na iyong pinanghulaan na may kasinungalingan.