Skip to content

Amon

15 talata · 4 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Amon

  1. At si Manases ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa halamanan ng kaniyang sariling bahay, sa halamanan ng Uzza: at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

  2. Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Mesalemeth na anak ni Harus na taga Jotba.

  3. At ang mga lingkod ni Amon ay nagsipagbanta laban sa kaniya, at pinatay ang hari sa kaniyang sariling bahay.

  4. Nguni't pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipagbanta laban sa haring Amon; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya.

  5. Ang iba nga sa mga gawa ni Amon na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

  6. Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak.

  7. Sa gayo'y natulog si Manases na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa kaniyang sariling bahay: at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

  8. Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem.

  9. At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama: at si Amon ay naghain sa lahat ng larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama, at naglingkod sa mga yaon.

  10. At siya'y hindi nagpakumbaba sa harap ng Panginoon, na gaya na pagpapakumbaba ni Manases na kaniyang ama: kundi ang Amon ding ito ay siyang sumalangsang ng higit at higit.

  11. Nguni't pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipanghimagsik laban sa haring Amon; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya.

  12. Na dinatnan ng salita ng Panginoon nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda, nang ikalabing tatlong taon ng kaniyang paghahari.

  13. Mula nang ikalabing tatlong taon ni Josias na anak ni Ammon, na hari sa Juda, hanggang sa araw na ito, nitong dalawang pu't tatlong taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, at aking sinalita sa inyo na ako'y bumangong maaga, at nagsalita; nguni't hindi ninyo dininig.

  14. ¶ Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Ezechias, nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda.

  15. At naging anak ni Ezequias si Manases; at naging anak ni Manases si Amon; at naging anak ni Amon si Josias;