Mga Taga-Roma 3:10-18
10
Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
11
Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios;
12
Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
13
Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
14
Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
15
Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;
16
Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
17
At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;
18
Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.
Settings