Skip to content
Mga Awit 109:9-15

Mga Awit 109:9-15

9
Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa.
10
Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11
Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12
Mawalan nawa ng maawa sa kaniya; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13
Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14
Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15
Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain

Settings

Reading style

Typeface

Font size 19px

Reading width 75 chars

Options