Mga Awit 1:1
Ipinapakita ang talata 1 kasama ang nakapaligid na konteksto.
1
¶ Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
2
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3
At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa.
4
Ang masama ay hindi gayon; kundi parang ipa na itinataboy ng hangin.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain