Skip to content
Mga Kawikaan 9:14-18

Mga Kawikaan 9:14-18

14
At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan,
15
Upang tawagin ang nangagdadaan, na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad:
16
Sinomang musmos ay pumasok dito: at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
17
Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.
18
Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain