Levitico 26:34
Ipinapakita ang talata 34 kasama ang nakapaligid na konteksto.
31
At gagawin kong giba ang inyong mga bayan, at gigibain ko ang inyong mga santuario, at hindi ko na sasamyuin ang amoy ng inyong mga may amoy na masarap.
32
At gagawin kong ilang ang lupain: at pagtatakhan ng inyong mga kaaway na tumatahan doon.
33
At kayo'y aking pangangalatin sa mga bansa, at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo: at ang inyong lupain ay magiging isang ilang, at ang inyong mga bayan ay magiging sira.
34
Kung magkagayo'y magagalak ang lupain sa kaniyang mga sabbath, habang nahahandusay na sira, at kayo'y mapapasa lupain ng inyong mga kaaway; ang lupain nga ay magpapahinga, at magagalak sa kaniyang mga sabbath.
35
Habang nahahandusay na sira ay magkakaroon ng kapahingahan, sa makatuwid baga'y ang hindi ipinagpahinga sa inyong mga sabbath, nang kayo'y nagsisitahan doon.
36
At tungkol sa mga matitira sa inyo, ay sisidlan ko ng takot sa kanilang puso, sa mga lupain ng kaniyang mga kaaway: at hahabulin sila ng kalatis ng isang dahong nalalaglag; at sila'y tatakas na parang tumatakas sa tabak; at sila'y mabubuwal nang walang humahabol sa kanila.
37
At mangagkakatisuran sila na parang nasa harap ng tabak, kahit walang humahabol: at hindi kayo makatatayo sa harap ng inyong mga kaaway.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain
Settings