Jonas 2:10
Ipinapakita ang talata 10 kasama ang nakapaligid na konteksto.
7
Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8
Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan.
9
Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon.
10
At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Settings