Ang Espiritu ay Nagpapatotoo at Nagbibigay-kapangyarihan sa Pagsaksi
26
Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:
27
At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko buhat pa nang una.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain