Skip to content
Genesis 30:5-8

Genesis 30:5-8

5
At naglihi si Bilha, at nagkaanak kay Jacob, ng isang lalake.
6
At sinabi ni Raquel, Hinatulan ako ng Dios, at dininig din naman ang aking tinig, at binigyan ako ng anak: kaya't pinanganlang Dan.
7
At si Bilhang alila ni Raquel ay naglihi uli at ipinanganak ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob.
8
At sinabi ni Raquel, Ako'y nakipagbaka ng malaking pakikipagbaka sa aking kapatid, at ako'y nanaig: at siya'y pinanganlang Nephtali.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain