Skip to content
Exodo 21:17-20

Exodo 21:17-20

17
At ang lumait sa kaniyang ama, o sa kaniyang ina, ay papataying walang pagsala.
18
At kung may magbabag, at saktan ng isa ang isa, ng bato, o ng kaniyang suntok, at hindi mamatay, kundi mahiga lamang sa banig:
19
Kung makabangon uli, at makalakad sa tulong ng kaniyang tungkod, ay ligtas nga yaong sumakit sa kaniya; pagbabayaran lamang niya ang panahong nasayang, at kaniyang pagagalinging maigi.
20
At kung saktan ng sinoman ang kaniyang aliping lalake o babae, ng tungkod at mamatay sa kaniyang kamay; ay parurusahan siyang walang pagsala.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain