Skip to content
Ang Mangangaral 1:18

Ang Mangangaral 1:18

Ipinapakita ang talata 18 kasama ang nakapaligid na konteksto.
15
Ang baluktot ay hindi matutuwid: at ang kulang ay hindi mabibilang.
16
Ako'y sumangguni sa aking sariling puso, na sinasabi ko, Narito, nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: oo, ang puso ko'y nagtaglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman.
17
At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan, at makaalam ng kaululan at ng kamangmangan: aking nahalata na ito man ay nauuwi sa wala.
18
Sapagka't sa maraming karunungan at maraming kapanglawan: at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain