Skip to content
1 Samuel 10:20-21

1 Samuel 10:20-21

20
Sa gayo'y pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi, at ang lipi ni Benjamin ang napili.
21
At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan; at ang angkan ni Matri ay siyang napili; at si Saul na anak ni Cis, ay siyang napili: nguni't nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain