1 Mga Cronica 21:18-19
18
Nang magkagayo'y inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad upang sabihin kay David na siya'y sumampa, at magtayo ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
19
At si David ay sumampa sa sabi ni Gad na kaniyang sinalita sa pangalan ng Panginoon.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain