Lumaktaw sa nilalaman

Mga Awit150

Kung Saan at Bakit Dapat Purihin ang Diyos

1
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2
Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.

Mga Instrumento ng Pagpupuri

3
Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4
Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta.
5
Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.

Pangkalahatang Pagpupuri

6
Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.
Use arrow keys to navigate
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Reading Width 45 chars

Options