Mga Awit 128
Ang mga Pagpapala ng Pagkatakot sa Panginoon 1–2
1
Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2
Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
Kasaganaan sa Tahanan at Pamilya 3–4
3
Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang.
4
Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.
Mga Pagpapala mula sa Sion at para sa Israel 5–6
5
Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6
Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain
Study note