Mga Awit 121
Tumingala ang Manlalakbay 1–2
1
Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2
Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
Ang Tagapangalaga na Hindi Natutulog 3–6
3
Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
4
Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
5
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
6
Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
Walang-Hanggan at Lubos na Pag-iingat 7–8
7
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
8
Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain
Study note