Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Tribes of Israel: Under a president or chief
Mga talata tungkol sa Under a president or chief
At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa't lipi; na bawa't isa'y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang.
At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo. Sa lipi ni Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur.
Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai.
Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab.
Sa lipi ni Issachar; si Nathanael na anak ni Suar.
Sa lipi ni Zabulon; si Eliab na anak ni Helon.
Sa mga anak ni Jose: sa lipi ni Ephraim; si Elisama na anak ni Ammiud: sa lipi ni Manases; si Gamaliel na anak ni Pedasur.
Sa lipi ni Benjamin; si Abidan na anak ni Gedeon.
Sa lipi ni Dan; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.
Sa lipi ni Gad; si Eliasaph na anak ni Deuel.
Sa lipi ni Nephtali; si Ahira na anak ni Enan.
Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel.