Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The High Priest Christ: Aaron, &c

4 talata · 21 aspeto

Mga talata tungkol sa Aaron, &c

  1. At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong paliliguan ng tubig.

  2. At iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuutan; at iyong papahiran ng langis siya, at iyong papagbanalin siya, upang siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

  3. At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at iyong susuutan sila ng mga kasuutan:

  4. At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila'y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.