Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Sun: Worshiped

7 talata · 8 aspeto

Mga talata tungkol sa Worshiped

  1. Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat, o sa buwan na lumalakad sa kakinangan;

  2. At ang aking puso ay napadayang lihim, at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:

  3. Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom: sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.

  4. At kanilang ikakalat sa liwanag ng araw, at ng buwan, at ng lahat na natatanaw sa langit na kanilang inibig, at kanilang pinaglingkuran, at siya nilang sinundan, at siyang kanilang hinanap, at siyang kanilang sinamba: hindi mangapipisan, o mangalilibing man, sila'y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa.

  5. At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan.

  6. Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan, at ang mga mataas na dako ay mangasisira; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba, at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat, at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak, at ang inyong mga gawa ay mangawawala.

  7. At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu't limang lalake, na sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan.