Mga talata sa Bibliya tungkol sa Prayer: Repentance
Mga talata tungkol sa Repentance
Pagka ang iyong bayang Israel ay nasaktan sa harap ng kaaway, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y bumalik sa iyo, at ipahayag ang iyong pangalan, at dumalangin at pumanhik sa iyo sa bahay na ito:
Marahil ay maghaharap sila ng kanilang daing sa harap ng Panginoon, at hihiwalay bawa't isa sa kaniyang masamang lakad; sapagka't malaki ang galit at ang kapusukan na sinalita ng Panginoon laban sa bayang ito.