Mga talata sa Bibliya tungkol sa Mahalaleel
Mahahalagang talata sa Bibliya
At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon, at naging anak si Mahalaleel:
At nabuhay si Cainan, pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel, ng walong daan at apat na pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay.
At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu't limang taon, at naging anak si Jared:
At nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos na maipanganak si Jared, ng walong daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay.