Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Heathen

7 talata · 3 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. Huwag kayong magpakarumi sa alin man sa mga bagay na ito; sapagka't lahat ng ito ay nangadumhan ang mga bansang aking palayasin sa harap ninyo:

  2. At nadumhan ang lupain: kaya't aking dinadalaw ang kasamaang iyan diyan, at ang lupain din ang nagluluwa sa mga tumatahan diyan.

  3. At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana. Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

  4. Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

  5. Umawit ka, Oh baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay magbiglang umawit, at humiyaw ng malakas, ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak: sapagka't higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng may asawa, sabi ng Panginoon.

  6. Iyong palakhin ang dako ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang magurong: habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos.

  7. Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan.