Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Creeping Things: A general term for animals

7 talata · 4 aspeto

Mga talata tungkol sa A general term for animals

  1. Lahat na may pakpak na umuusad na lumalakad na may apat na paa ay marumi nga sa inyo.

  2. Gayon man, ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng may pakpak na umuusad na may apat na paa, ang mga may dalawang paang mahaba, bukod pa sa kanilang mga paa, upang kanilang ipanglukso sa lupa;

  3. Sa kanila'y makakain ninyo ang mga ito: ang balang ayon sa kaniyang pagkabalang, at ang lukton ayon sa kaniyang pagkalukton, at ang kuliglig lupa ayon sa kaniyang pagkakuliglig, at ang tipaklong ayon sa kaniyang pagkatipaklong.

  4. Datapuwa't lahat na may pakpak na umuusad na mayroong apat na paa, ay kasuklamsuklam nga sa inyo.

  5. At ang mga ito'y karumaldumal sa inyo, sa mga umuusad na nagsisiusad, sa ibabaw ng lupa: ang bubwit, at ang daga, at ang bayawak ayon sa kaniyang pagkabayawak;

  6. At ang tuko, at ang buwaya, at ang butiki, at ang bubuli at ang hunyango.

  7. Ang mga ito'y karumaldumal sa inyo sa lahat ng umuusad: sinomang mangakahipo sa mga iyan pagka ang mga iyan ay patay, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.