Mga talata sa Bibliya tungkol sa Children: God's care of
Mga talata tungkol sa God's care of
Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.
Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at sila'y dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing;
At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila.
Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.