Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Anointing Oil

7 talata · 1 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

  2. Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,

  3. At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang hin:

  4. At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.

  5. At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.

  6. Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.

  7. Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.