Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Admah

4 talata · 1 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon, kung patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza; kung patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboim hanggang Lasa.

  2. Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar).

  3. At ang buong lupaing yaon ay asupre, at asin, at sunog, na hindi nahahasikan, at walang ibubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra, Adma at Seboim, na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit;

  4. Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.