Skip to content

Makkedah

8 verses

31.9300, 34.7800 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Makkedah

  1. At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca, at sa Maceda.

  2. At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.

  3. At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.

  4. Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel.

  5. At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.

  6. At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Libna, at lumaban sa Libna:

  7. Ang hari sa Maceda, isa; ang hari sa Beth-el, isa;

  8. At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.