Ang Diyos, ang Aming Walang-Hanggang Kanlungan
1
Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi.
2
Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain