Skip to content
Mga Awit 89:30-33

Mga Awit 89:30-33

30
Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
31
Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko;
32
Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
33
Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain