Mga Awit 89:20-24
20
Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
21
Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig.
22
Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
23
At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
24
Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay.
Settings