Skip to content
Mga Awit 26:1-3

Pamanhik para sa Pagpapatunay ng Kawalang-Sala at Paghatol

Mga Awit 26:1-3
1
Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad sa aking pagtatapat: ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
2
Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako; subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
3
Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata: at ako'y lumakad sa iyong katotohanan.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain