Mga Kawikaan 30:26-28
26
Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato;
27
Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong;
28
Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain