Kamangmangan ng Paghahabol sa Kayamanan
4
Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan.
5
Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain