Skip to content
Mga Bilang 28:19-23

Mga Bilang 28:19-23

19
Kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakahandog na susunugin; dalawang guyang toro, at isang lalaking tupa, at pitong korderong lalake ng unang taon; na mga walang kapintasan:
20
At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis: tatlong ikasangpung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasangpung bahagi para sa tupang lalake;
21
At isang ikasangpung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawa't kordero sa pitong kordero;
22
At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, upang itubos sa inyo.
23
Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na susunugin sa umaga, na pinakapalaging handog na susunugin,
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Options