Skip to content
Mga Bilang 17:10-11

Iningatan ang Tungkod bilang Babala

Mga Bilang 17:10-11
10
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ibalik mo ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo, upang ingatang pinakatanda laban sa mga anak ng panghihimagsik; upang iyong wakasan ang kanilang mga pag-upasala laban sa akin, upang huwag silang mamatay.
11
Gayon ginawa ni Moises: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayon niya ginawa.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain